|
Post by admin on Jun 27, 2014 17:44:28 GMT 8
Mag-anak, nalason sa kinaing karne ng pawikan; 2 bata, 1 aso, nasawi June 27, 2014 Nasawi ang batang magkapatid at isang aso sa Masbate matapos silang malason nang kainin nila ang karne ng pawikan na nahuli ng kanilang kapitbahay. Sa ulat ng GMA news "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing hindi makapaniwala ang isang ina sa Masbate na buhay ng dalawa niyang anak ang magiging kapalit ng karne ng pawikan na ipinamigay ng kanilang kapitbahay. Naospital din ang kanyang mister at apat pang anak na patuloy na inoobersebahan sa Masbate Provincial Hospital. Ayon sa ina, isa raw nilang kapitbahay ang nakahuli sa pawikan. Kinatay at ipinamigay raw nito sa iba ang karne ng pawikan para ulamin. Pero nang makain na ang karne, marami na umano ang nakaranas ng pagsusuka, panghihina at pananakit ng katawan. Maging ang isang asong nakakain ng karne, namatay din. Kinumpirma ng mga duktor na nalason ang mga residente dulot ng karne ng pawikan. Sa ilalim ng batas, bawal hulihin, ibenta at kainin ang pawikan na kabilang sa endangered species, ayon sa ulat. -- FRJ, GMA News Source: www.gmanetwork.com/news/story/367527/ulatfilipino/balitangpinoy/mag-anak-nalason-sa-kinaing-karne-ng-pawikan-2-bata-1-aso-nasawi
|
|